Ang Teknikal Bokasyonal na Sulatin ay komunikasyong pasulat tulad ng agham, inhenyera, teknolohiya at agham pangkalusugan. Ito ay payak, tumpak, kumpleto ang impormasyon, malinaw, di-emosyonal at obhetibo.
Nag bibigay sya ng alam, makapag-analisa ng mga pangyayari at manghikayat at mang-impluwensya ng desisyon.
Ang mga gamit ng Teknikal Bokasyonal na pagsulat ay upang maging batayan sa desisyon ng namamahala, magbigay ng kailangang impormasyon, magbigay ng instrukto,mapaliwanag ang teknik, mag-ulat ng natamong achievement, mag-analisa ng suliraning bahagi, matiyak ang pangangailangan ng desisyon at sistema, makabuo ng produkto, at makapagbigay ng serbisyo
Bilang isang mag-aaral, ito ay aming kailangan dahil nadaragdagan ang aming kaalaman dahil dito at layunin nitong palawakin ang mga impormasyon na maaari naming gamitin sa pangaraw-araw naming buhay.Bilang isang mag-aaral, ito ay aming kailangan dahil nadaragdagan ang aming kaalaman dahil dito at layunin nitong palawakin ang mga impormasyon na maaari naming gamitin sa pangaraw-araw.
Ayun sa natutunan at naintindihan ko, ang kahalagahan ng tekbok na pagsulat para sakin ay ang paggawa ng komunikasyon na nakakapaglahad sa larangan ng teknolohiya. Makakagawa tayo ng propesyunal na pagsulat sapagkat ang teknikal bokasyunal ay tiyak.
Ang layunin ng tekbok na pagsulat ay makapagbigay alam, at nagiging batayan rin ito sa pagdesisyon ng nagbibigay ng instrukto. Ang batayan sa paggamit nito ay ang makalikha ng isang sulatin na malinaw at nauunawaan ng madali ng mga mambabasa. Ang teknikal na pagsulat ay mahalagang bahagi ng industriya, dahil dito nanggagaling ang mga aplikasyon ng mga produkto at ang paglilingkod sa industriya.
At dahil isa akong studyante mahalaga rin ito sa kadahilanang kailangan namin ng 'instruction' sa paggawa at pagkumpuni ng isang kompyuter. Mahalaga ito sapagkat ito ang naghahanda ng mga teknikal na documents na nakakapagbilis ng ating kaunlaran sa teknolohiya .At dahil dito, malaking tulong ito sa ating lipunan.
Mahalaga ito dahil kung wala ito hindi tayo magkakaroon ng impormasyon at mauunawaan ang mga bagay bagay sa ating paligid. Mahihirapan tayong umintindi at hindi natin magagawa ang mga proyekto na ibinigay satin. Pati narin sa mga panuto na nasa establisyimento at mga “flyers”.
No comments:
Post a Comment